Monday, March 31, 2014

Lalaki nakipagbarilan sa mga parak, todas

TODAS ang isang lalaki matapos makipagbarilan sa mga pulis na aaresto sa una dahil sa pagdadala ng baril sa Caloocan City, Sabado ng gabi, Marso 29.


Dead on the spot sanhi ng mga tama ng bala sa ulo at katawan si Sandy Raymundo, alyas Palaka, 37, ng Libis Espina St., ng lungsod.


Sa ulat, alas-6:20 ng gabi ay may nagsumbong sa mga barangay tanod na may dalang baril ang suspek at sumakay sa tricycle.


Nang respondehan ng mga pulis ay paalis na ang tricycle na naging dahilan upang habulin.


Pagsapit sa P. Sevilla St., napadaan ang mga pulis na sina PO1’s Edwin Lapatap at Heart Carl Gonzales na nakihabol narin sa suspek.


Natrapik ang sinasakyan tricycle na suspek na naging dahilan upang bumaba at nang makita ang mga pulis na parating ay agad na binunot ang dalang baril at pinaputukan ang mga parak.


Gumanti ng mga putok ang dalawang pulis at nang matapos ang palitan ay nakitang duguan at walang buhay na nakahandusay ang suspek kung saan nabawi ang dalang kalibre .45 na baril.


The post Lalaki nakipagbarilan sa mga parak, todas appeared first on Remate.


.. Continue: Remate.ph (source)



Lalaki nakipagbarilan sa mga parak, todas


No comments:

Post a Comment