Monday, March 31, 2014

Ex-councilor, administrator nagpakamatay

INAALAM na ngayon kung nagkaroon ng foul play sa pagkamatay ng dating konsehal at administrador sa bayan ng Surallah, South Cotobato.


Nagsasagawa na ng malalimang imbestigasyon ang awtoridad kaugnay sa pagkamatay ng biktima na kinilala ng pulisya na si George Bautista.


Ayon dito, alas-3:30 kahapon ng hapon nang maganap ang insidente.


Batay sa naunang imbestigasyon, natagpuan si Bautista na may tama ng bala sa ulo, nakasubsob sa manibela ng sasakyan nito at hawak ang kalibre .45 na baril.


Ngunit hindi kombinsido si South Cotabato Board Member Romulo “Mulong Solivio” sa anggulong nag-suicide ang biktima dahil administrador niya ito noong siya pa ang alkalde ng bayan at kilala niya ito.


Sa ngayong, nagpapatuloy pa ang imbestigasyon ng SOCO sa pangyayari para alamin ang tunay na dahilan kaugnay sa pagkamatay ni Bautista.


The post Ex-councilor, administrator nagpakamatay appeared first on Remate.


.. Continue: Remate.ph (source)



Ex-councilor, administrator nagpakamatay


No comments:

Post a Comment