Monday, March 31, 2014

Malaking threat si Ellen Adarna kay Meg Imperial!

NAG-AALINLANGAN na paniwalaan ng dating asawa ni Kris Aquino na si James Yap ang tungkol sa kumakalat na tsismis kina Kris Aquino at Mayor Herbert Bautista ng Quezon City.

Maigsi lang ang sinabi nito na sana maligaya siya kung totoo man ito. Nagbabaga kasi ang balita na nagdi-date ang dalawa nang pasikreto. Hindi nga puwedeng isikreto. Sabi nga ng kanilang mga fans, makikita’t makikita sila kung mag-dinner date man sila kahit sa mamahaling hotel pa, talagang matsitsimis.


Hindi rin naman siniseryoso ng mabait na Mayor ng Quezon City at natatawa lang ito tungkol sa pagkaugnay ng kanyang pangalan sa taklesang TV host. Tumatawa lang ito kapag tinatanong siya tungkol sa love affair nilang dalawa. Ang takot lang ni Herbert sa kanyang dyowa na si Ms. Gana. Ngayon pa ba sila maghihiwalay pagkatapos nang matagal ng panahon silang nagsasama?


Say ng aming kaibigang si Wally, malay raw natin kung may katotohanan ito dahil si mayor kahit kakapiranggot lang ang height nito ay habulin ng chicks noon at ngayon. Cute kasi at intelehente. ‘Yan siguro ang ikinagusto ng TV host/actress – ang taong intelehente.


Hindi kaya isipin ng madlang pipol na lahat ng nali-link kay Kris ay may mga sabit na?


Madre de Cacao! tigilan na ang kabaliwan. Beauty naman si Kris at mapera, makatagpo sana siya ng lalaking binata na magpapaligaya sa kanya.


-0-


KAMI ay nalilito rito sa artistang hindi naman pala baguhan.


Si Nadine Lustre. Minsan Ilustre ang sinasabing apelyido. Ngayon naman ay Lustre itong bida ng Diary ng Panget. Huwag naman silang ma-o-offend, sabi ni Manolo Alcover, panget ang titulo n pelikula nitong Nadine Ilustre este Lustre. Walang dating sa movie-going public, lalo na’t first time nitong magbida sa pelikula pati na rin ang kanyang mga leading men, first time rin sina James Reid at Andrei Paras.


Si Andrei ay wala pang experience sa acting department. Maaaring kagatin ng mga fans ang dalawang bidang lalaki dahil naggwagwapuhan. Pero hindi ito nangangahulugang tatabo ang movie nila na Diary ng Panget.


Take note! Katapat ng showing nito ang pelikula ni Shalala, ang Etchoserang Frog na kahit paano’y meron itong mga following na at isama pa rito ang isang tambak na mga guest actors and actresses. Papanoorin ito ng mga otaw lalo’t comedy/drama ito.


Well, hangad din namin na kumita pareho ang pelikula nina Nadine Lustre (final na kaya ang last name nito?) at ni Shalala na kahit paano ay makapag-produce muli ang production nito at syempre, may mga trabahong muli ang mga taga-industriya.


-0-


NAPATILI kami ng walang sound nang mabasa namin sa isang tabloid ang isang nagsusumigaw na headline. Inilampaso ni Meg Imperial si Ellen Adarna. Aba’y mantakin mong ginawang bunot ng sahig ang napakaganda at seksing actress na si Ellen?


Paano niya nasabi na inilampaso ang bagong sex goddess na taga-Cebu na last March 31 lang ito nag-umpisa?


Sabi ng source ko na cameraman ng ABS-CBN, malaking banta si Ellen kay Meg Imperial.


Mukhang may katotohanan ang sinabi niya. Agree kami. Ciao Bambino!


The post Malaking threat si Ellen Adarna kay Meg Imperial! appeared first on Remate.


.. Continue: Remate.ph (source)



Malaking threat si Ellen Adarna kay Meg Imperial!


No comments:

Post a Comment