Monday, March 31, 2014

Pacers nasilat sa Cavs

UMARIBA sina Dion Waiters at Luol Deng upang tulungan ang Cleveland Cavaliers sa pagpag sa Eastern Conference leader Indiana Pacers, 90-76 kaninang umaga sa nagaganap na 2013-14 National Basketball Association (NBA) regular season.


Umiskor sina Waiters at Deng ng 19 at 15 points upang ilista ang 20-45 win-loss slate ng Cavs at mapalakas ang tsansa na makapasok sa top eight sa EC.


Nasa pang-10 puwesto ang Cleveland habang pang walong puwesto ang Atlanta Hawks hawak ang 31-41 record.


”Our guys just keep fighting,” saad ni Cavs coach Mike Brown.


May ilang minute pa sa fourth quarter subalit kitang-kita na sa mga mukha ng Indiana players ang pagkadismaya.


Si David West na nakaupo sa huling upuan ng kanilang bench ay hindi makatingin sa court dahil sa sama ng inilalaro ng kanyang mga kakampi.


”We’re losing games at an alarming rate to teams that are inferior to us,” ani West, na nabigyan ng technical foul sa fourth canto. ”We can’t figure out a way to perform better.”


Nalasap ng Pacers ang pangalawang sunod na kabiguan kaya naman halos maabutan na sila ng two-time defending champions Miami Heat sa team standings.


May 52-22 karta ang Pacers habang ang nasa pangalawang puwesto sa EC na Heat ay may 50-22 baraha.


”We’re all frustrated,” ani Indiana coach Frank Vogel. ”I think we’re playing against ourselves. It’s a level of play that we’re trying to reach that we’re not close to where we need to be.”


Nagsumite rin sina Spencer Hawes at Tristan Thompson ng 13 at 12 puntos ayon sa pagkakasunod habang nag-ambag naman ng tig-11 pts. sina Jarrett Jack at Mathew Dellavedova para sa Cavs.


Si Paul George naman ang nanguna para sa Pacers matapos magtala ng 15 pts., pitong rebounds at apat na assists.


Samantala, nakasilat din ang New York Knicks at Los Angeles Lakers.


Kinaldag ng Knicks ang Golden State Warriors, 89-84 habang pinaluhod ng Lakers at Phoenix Suns, 115-99.


Sa ibang NBA resulta, sinuwag ng Chicago Bulls ang Boston Celtics, 107-102 habang kinana ng Oklahoma City Thunder ang Utah Jazz, 116-96.


The post Pacers nasilat sa Cavs appeared first on Remate.


.. Continue: Remate.ph (source)



Pacers nasilat sa Cavs


No comments:

Post a Comment