Monday, March 31, 2014

2 parak utas sa grupo ng NPA

SAGADA, MOUNTAIN PROVINCE – Dalawang pulis ang patay samantalang dalawa pa ang sugatan nang umatake ang New People’s Army (NPA) sa Sagada, Mountain Province noong Sabado.


Ayon sa report ng pulisya, sinalakay ang Regional Public Safety Battalion sa Barangay Aguid, sa nasabing bayan kasabay sa 45 anibersaryo nitong Sabado.


Samantala, tumanggi naman si Sr. Supt. Oliver Emodias na pangalanan ang dalawang nasawing pulis kasama ang dalawang nasugatan.


Napag-alaman na papunta ang mga pulis sa kanilang opisina ng ambusin sila ng mga rebelde.


Sinabi ni Emodias, ang ginawang pamamaril ay paglabag sa pagdedeklara sa Sagada bilang peace zone ang nasabing tag-atake.


Nakasaad sa nasabing peace zone declaration ang pagbabawal ng lokal na pamahalaan at konseho ng mga tribal leader sa pamamalagi ng mga armadong kasapi ng militar at mga rebelde sa lugar.


The post 2 parak utas sa grupo ng NPA appeared first on Remate.


.. Continue: Remate.ph (source)



2 parak utas sa grupo ng NPA


No comments:

Post a Comment