Monday, March 31, 2014

Parak utas sa pakikipag-inuman sa biyuda

PINIPIGA ngayon ng awtoridad para paaminin ang isang batang-batang biyuda hinggil sa misteryosong pagkamatay ng kainuman niyang pulis sa Cagayan town nitong Linggo ng gabi, Marso 30.


Sa salaysay ni Joy Renancia, 22, ng Barangay San Miguel, Baggao, Cagayan, sinabi nitong nagbaril sa ulo ang biktimang si P01 Erick Cipriano, 32, at miyembro ng Baggao Police Station.


Pero hindi ito agad pinaniniwalaan ng pulisya dahil wala silang nakikitang dahilan para gawin ito ng kanilang kasamahan.


Bukod pa rito, hindi rin sa sentido na karaniwang tinatarget ng mga taong nagpapakamatay kundi nasa may bandang likuran na pumasok ang bala ng 9mm pistol na service gun ng biktima.


Depensa naman ni Renancia na niyaya siyang mag-inom ng biktima sa kanyang boarding house sa may Barangay San Vicente, Sta. Ana.


Pero nang aniya malasing si Cipriano ay biglang nagbaril ito sa sarili.


The post Parak utas sa pakikipag-inuman sa biyuda appeared first on Remate.


.. Continue: Remate.ph (source)



Parak utas sa pakikipag-inuman sa biyuda


No comments:

Post a Comment