Monday, March 31, 2014

SEC. DE LIMA NA NAMAN AT GEN. DEONA BUKOL SA SUGAL

burdado-jun-briones2 DAHIL mayroong konek umano sa ilang masalimuot na isyu, kaya agarang nirekomenda ni DOJ Sec. Leila de Lima sa Palasyo ang pagsibak kina NBI Deputy Directors Rey Esmeralda at Ruel Lasala.


Tsk, tsk, tsk! Kahit walang sapat na basehan ay biglang nasayang, parekoy, ang mahusay na records nitong dalawang opisyal. Dahil “pikit-matang” sinunod ni PNoy ang rekomendasyon ni De Lima!


‘Yun nga lang, parekoy, nang magkabistuhan ay ang dating “palalabs” ni Madam De Lima na si Atty. Plaridel Bohol ang may konek pala kay Napoles! Ayon, biglang natameme si Madam! Hak, hak, hak!


Ang hirap kasi, parekoy, sa masyadong taklesa at naglilinis-linisan! Pero sa totoo lang, eh, hanga tayo rito kay Madam, dahil kahit buking na ay patuloy pa rin itong nagmamalinis! Huh! At talagang “kapit-tuko” sa posisyon kahit kaliwa’t kanan na ang panawagan na magbitiw na ito! Yaks!


Naniniwala rin tayo, parekoy, na anoman ang mangyari ay talagang hindi lalayas sa puwesto si De Lima. Hindi ba’t siya lang, sa lahat ng presidential appointee ang ilang ulit ng ibinasura ng Commission on Appointments? Lumayas ba?


Kung sa iba nangyari ‘yan na medyo may kaunting delikadesa sa katawan ay magbibitiw na. Pero, sa kung gaano kalalim na pinagsamahan, ay hindi siya kayang “i-let go” ng Pangulo! Anyare?


-o0o-


HINDI alam ni PNP Region 5 RD C/Supt. Victor Pelota Deona na talamak na ang iligal na sugal sa lalawigan kong mahal.


‘Yan, parekoy, ang ibinulong ng ating “tawiwit” dahil lubos umano ang tiwala ni RD na hindi siya bubukulan ni Masbate Provincial Director S/Supt. Jacinto Culver Nasol Sison, lalo na sa iligal na sugal. Totoo nga na matindi ang kamandag ng pera! Hak, hak, hak!


Para sa iyong kaalaman, Gen. Deona, at bilang patunay na may bukol ka sa sugal, narito ang listahan ng “lotteng operators” sa Masbate.


Ang Unang distrito ay hawak nina Biboy Sese at Jie Yuson. Namamayagpag naman sa 2nd Dist. sina Babyboy Tan, Perla Manlapaz, Benjie Lim, Rex Cabug, Boyet at Nong Amaro, Nap Arguelles, Arjay Lim at Bert Chu na ang katiwaldas ay si Asing Dalanon.


Samantalang ang Tersero distrito ay hawak naman nina Danny Olmella, Goling Ching, Jojo Aum at Jeorge Hao.


Ang listahan na ‘yan, Gen. Deona, sir, ay ipinadala ko na rin sa tanggapan ni PNP Chief at SILG Mar Roxas.


Aabangan na lang ng mga Masbatenyo kung sino sa inyo ang unang kikilos.


‘Yan ay kung wala rin kayong natatanggap! Ehek!


The post SEC. DE LIMA NA NAMAN AT GEN. DEONA BUKOL SA SUGAL appeared first on Remate.


.. Continue: Remate.ph (source)



SEC. DE LIMA NA NAMAN AT GEN. DEONA BUKOL SA SUGAL


No comments:

Post a Comment