Monday, March 31, 2014

Ebidensya vs Maguindanao massacre suspects, ititigil na ng DoJ

IPINATITIGIL na ng Department of Justice (DoJ) ang presentasyon ng ebidensya laban sa mga sangkot sa Maguindanao massacre na ikinamatay ng 58 katao, na karamiha’y mga mamamahayag noong Nobyembre 23, 2009.


Kasunod ito ng rekomendasyon ng government prosecutors na tapusin ang presentasyon ng ebidensya laban kay Andal Ampatuan, Jr., at 27 iba pang akusado sa masaker na tinutulan ng abogado ni Maguindanao Gov. Toto Mangudadatu na si Atty. Nena Santos.


Magugunitang kabilang sa mga namatay ang misis ni Mangudadatu sa karumal-dumal na krimen.


Mismong si Justice Sec. Leila de Lima ang nagkumpirma ng pagtutol ni Santos sa rekomendasyon ng government prosecutors.


Suportado ni Atty. Harry Roque ng The Center for International Law na may hawak ng kaso ng nasa 15 kliyente ang panukala ng government prosecutors.


Ayon kay Roque, inaasahan na ang pagkakaiba nila ng pananaw sa kaso lalo’t maraming abogado ang panig sa prosekusyon, pero tiniyak nito na iisa ang kanilang hangarin at ito ay ang matiyak sa conviction ng mga nasasakdal sa pagkakasawi ng 58 biktima.


Kinumpirma naman ni Roque na noong buwan ng Enero ng taong kasalukuyan ay nagpulong na ang private at public prosecutors kaugnay ng posibilidad na tapusin na ang presentasyon ng ebidensya laban sa mga akusado sa Maguindanao massacre.


The post Ebidensya vs Maguindanao massacre suspects, ititigil na ng DoJ appeared first on Remate.


.. Continue: Remate.ph (source)



Ebidensya vs Maguindanao massacre suspects, ititigil na ng DoJ


No comments:

Post a Comment