Monday, March 31, 2014

Kulong kina Napoles, Lim pinanigan ng CA

MANANATILI pa rin sa piitan ang itinuturong pork barrel queen na si Janet Lim Napoles.


Ito ay makaraang ibasura ng Court of Appeals ang inihaing petisyon ni Napoles na kumukuwestiyon sa resolusyon ng Department of Justice noong Agosto 6, 2013 kung saan iniutos ng kagawaran ang pagsasampa ng kasong serious illegal detention laban kay Napoles at kapatid nitong si Reynald Lim sa korte.


Ibinasura rin ng Appellate Court ang petisyon ni Napoles na kumukwestyon sa inilabas na warrant of arrest ng Makati RTC B150 laban sa kanila.


Sa 23 pahinang desisyon ng CA na pinonente ni Associate Justice Ramon Garcia, walang nakitang rason ang mga mahistrado ng CA upang baliktarin ang nauna nang desisyon ng Department of Justice.


Nag-ugat ang kaso makaraang idetine ng magkapatid na Napoles ang PDAF scam whistleblower na si Benhur Luy sa loob ng tatlong buwan


Si Napoles ay kasalukuyang nakakulong sa Fort Sto Domingo sa Sta Rosa Laguna habang si Reynald Lim ay patuloy pa ring pinaghahahanap ng mga awtoridad.


The post Kulong kina Napoles, Lim pinanigan ng CA appeared first on Remate.


.. Continue: Remate.ph (source)



Kulong kina Napoles, Lim pinanigan ng CA


No comments:

Post a Comment