MAGHAHAIN ng diplomatic protest ang Department of Foreifn Affairs laban sa China sa panghaharang sa barko ng Pilipinas na patungong Ayungin Shoal, kahapon ng hapon.
Dahil dito, muling inalmahan ng DFA ang naging hakbang ng Chinese Coast Guard sa barko ng Pilipinas na pagharang at tangakang pagtaboy ng ilang Chinese Coast Guard vessels habang patungo ito ng Ayungin Shoal na maghahatid ng suplay at magpapadala ng tao sa BRP Sierra Madre sa Ayungin.
Ayon kay DFA spokesperson Charles Jose, kinokondeng isang harrassment ang ginawa ng Chinese Coast Guard sa dalawang civilian na magtutungo sa Ayungin Shoal.
Kasabay nito, iginiit ni Jose na bahagi ng continental shelf ng bansa ang Ayungin Shoal at dugtong na “Pilipinas lamang ang may tanging sovereign right and jurisdiction over Ayungin Shoal.”
Ikokonsidera ng DFA sa ngayon na maghain ng diplomatic protest kaugnay ng insidente.
Ilalapit at pag-uusapan muna aniya ito ng tanggapan at una nang nagbabala ang China sa Pilipinas ukol sa ‘pag-okupa’ nito sa shoal.
Samantala, sinabi ni Jose na bukas na nakatakdang isumite ng Pilipinas ang memorial nito sa arbitration case laban sa China.
The post Diplomatic protest vs China, ikinakasa na ng DFA appeared first on Remate.
.. Continue: Remate.ph (source)
No comments:
Post a Comment