Saturday, March 29, 2014

DoJ oks sa hospital arrest kay Andrea Rosal

HINDI tutol si Justice Secretary Leila de Lima sa opsyon ng anak ng yumaong New People’s Army (NPA) Spokesman Gregorio “Ka Roger” Rosal na si Andrea na magpa-hospital arrest.


Ito’y makaraang maaresto ng awtoridad ang walong buwang buntis na si Rosal sa isang tahanan sa Caloocan City bunsod ng umiiral na mandamiyento de arestong ipinalabas ng Mauban, Quezon Regional Trial Court Branch 64.


Ayon sa kalihim, walang problema sa kanya ang hospital arrest kay Rosal kung papayagan ito ng korte.


Napag-alaman ng mga operatiba ng National Bureau of Investigation (NBI) na maselan ang pagbubuntis ni Rosal sa una niyang supling kaya’t naging maingat din ang mga ito sa ginawa nilang pag-aresto.


The post DoJ oks sa hospital arrest kay Andrea Rosal appeared first on Remate.


.. Continue: Remate.ph (source)



DoJ oks sa hospital arrest kay Andrea Rosal


No comments:

Post a Comment