Monday, March 31, 2014

Pinakamainit na panahon, naitala kahapon

NALAGPASAN nitong Lunes ng hapon ang 36 degrees Celsius na naitala ng PAGASA kamakailan sa Tuguegarao City sa Cagayan.


Batay sa PAGASA, umabot sa 37.9 degrees Celsius ang kanilang naitala bandang alas-2:00 ng hapon.


Ito na ang pinakamainit na panahon para sa taong 2014.


Dahil dito, pinag-iingat ng PAGASA ang publiko sa posibleng epekto nito sa kalusugan ng tao at hayop.


Inamin ni PAGASA forecaster Samuel Duran na hindi pa ito ang peak ng tag-init kaya maaari pang mahigitan ang kasalukuyang record para sa 2014.


The post Pinakamainit na panahon, naitala kahapon appeared first on Remate.


.. Continue: Remate.ph (source)



Pinakamainit na panahon, naitala kahapon


No comments:

Post a Comment