Monday, March 31, 2014

Parak na nang-hit-and-run, timbog

INARESTO ng mga pulis ang isa nilang kasamahan matapos tumakas at abandonahin ang tatlong sugatang biktima na kanyang nabangga sa national highway ng Barangay D’ Sailela, Siocon, Zamboanga del Norte.


Batay sa report ng pulisya, alas-12:00 ng tanghali kahapon nang mabangga ni PO1 Norsani Hassan Baroh, sakay ng motorsiklo na naka-assign sa nabanggit na police station ang nakasalubong nitong motorsiklong minamaneho ng isang Dante Jabbah Reynando.


Nabatid na nagkaproblema ang hand break ng motorsiklo ng pulis kaya hindi na nito nakontrol ang kanyang pagtakbo dahilan para magbanggaan.


Dahil sa lakas ng pagkakabangga, tumilapon ang motorsiklo ni Reynando naikinasugat nito at ng kanyang dalawang back rider na nakilalang sina Lourdes Grucio Tangcogo at Amelita Tangcogo Entrina.


Imbes na tulungan, bigla umanong tumakas ang nasabing pulis at iniwang nakahandusay ang mga duguang biktima.


Agad namang naglunsad ng pursuit operation ang Sibuco municipal police station at makalipas ang kalahating oras ay naaresto ang tumakas na pulis.


Kasalukuyang nakakulong sa police station kung saan naka-assign ang naarestong pulis habang hinahanda ang kaso laban dito.


The post Parak na nang-hit-and-run, timbog appeared first on Remate.


.. Continue: Remate.ph (source)



Parak na nang-hit-and-run, timbog


No comments:

Post a Comment