NAKUHA na ng Pilipinas ang “world marathon basketball record” na non-stop basketball action na ginaganap sa Meralco Gym sa Pasig City.
Ngayong alas-6:00 ng umaga, nasa 117 oras nang naglalaro ang Team Walang Iwanan at Team Bounceback.
Ang Missouri Athletic Club sa St. Louis, Missouri ang may hawak ng marathon basketball record na 112 hours at 13 seconds noong 2012.
Hinahangad ng Pilipinas na maabot ang 120 hours na tuloy-tuloy na paglalaro para makuha ang bagong record ng Guinness World Record para sa longest basketball game.
Sa kasalukuyan, nakagawa ang dalawang team ng mahigit 16,000 points at nilamangan ang individual scores ng Missouri Athletic Club na 11,000 points.
Ayon kay Jacque Ruby, event organizer ng basketball marathon, kumpiyansa siyang makukuha ang world record, pero hangga’t hindi kikilalanin o idedeklara ng Guinness ay hindi pa ito magiging pinal.
Mismong ang mga Guinness world basketball marathon record holders na sina Chuck Williams, Jeffery Moore at Tony Tatar ang nagboluntaryo na lumahok sa naturang fund-raising event sa Pasig.
Una nang inihayag na ang malilikom na pondo sa nasabing sports event ay ilalaan sa mga Yolanda survivors.
The post ‘World marathon basketball record’, nakuha na ng Pinas appeared first on Remate.
.. Continue: Remate.ph (source)
No comments:
Post a Comment