Monday, March 31, 2014

Panibagong oil price hike ipatutupad

MATAPOS ang halos apat na linggong dagdag-bawas sa presyo ng mga produktong petrolyo, posibleng magpatupad bukas ng panibagong pagtataas sa halaga ng krudo at gasoline ang mga kompanya ng langis sa bansa.


Sa impormasyong ipinarating ng Department of Energy (DoE), posibleng tumaas mula sa halagang .40 sentimo hanggang .60 kada litro ang halaga ng diesel habang tinatayang aabot naman sa .10 sentimo hanggang .15 sentimo ang kada litro ng gasoline habang wala namang impormasyon kung gagalaw ang presyo ng kerosene.


Itinuturo naman bilang isa sa dahilan ng napipintong pagtataas ng halaga ng produktong petrolyo ang umiinit na panahon at ang patuloy na paglago ng ekonomiya ng Estados Unidos na nagiging sanhi upang magkaroon ng ispekulasyon ang mga oil producing countries.


Isa rin sa umano’y dahilan ng napipintong pagtataas ang lumalalang tensyon sa Ukraine at ang paghina ng piso kontra sa dolyar na ginagamit na pambayad sa pag-aangkat ng mga produktong petrolyo.


Sa ilalim ng umiiral na batas o Oil Deregulation Law, ibinabatay ang presyohan ng mga produktong petrolyo batay sa dikta ng pandaigdigang pamilihan ng langis upang makahimok ng kompetisyon.


Ipinagbabawal din sa ilalim ng naturang batas ang panghihimasok ng pamahalaan o pag-impluwensya sa mga kompanya ng langis kaugnay sa presyohan ng kanilang produkto bagama’t may probisyon na kinakailangang magsagawa muna ng pag-uulat ang mga kompanya ng langis sa DoE bago magpatupad ng pagtataas ng halaga bilang isang paraan para ma-monitor ang halagang itataas.


The post Panibagong oil price hike ipatutupad appeared first on Remate.


.. Continue: Remate.ph (source)



Panibagong oil price hike ipatutupad


No comments:

Post a Comment