Sunday, March 30, 2014

May broken facial bones pero walang damage sa skull!

NAKALULUNGKOT ang aksidenteng sinapit ng actor/singer na si Lance Raymundo nu’ng bagsakan siya sa mukha ng 80 lbs. na barbell.


Personally, na-bothered talaga kami sa nangyari kay Lance. We can claim naman kasi na naging malapit kami kay Lance expecially to his brother na si Rannie Raymundo.


Hindi pa kasi pumapasok sa showbiz noon si Lance ay nakikita at nakakasama na namin siya through the invitations ng kanyang ina na si Mommy Nina, a former Sampaguita star, at kapatid na singer na si Rannie.


Ang mommy ni Lance ang unang nag-post nang sinapit ni Lance. And here is her update sa condition ni Lance, “According to the actor‘s mother Nina, neurosurgeons Dr. Gilbert Ranoa and Dr. Michael Gimenez “found no damage in any part of the skull, no leakage at all. No need to do any thing on their end. Perfect skull. thank you Lord…operation on going for eyes and nose area for implants to correct broken facial bones. God is do good! Maraming Salamat for praying with our family!” This update was sent to PEP by Shandii Bacolod, manager of Lance Raymundo, earlier today, March 25, at 10:30 am. Last March 19, the actor suffered from multiple facial fractures because an 80-pound barbell fell on his face.”


We just hope and pray na maging mabilis ang recovery ni Lance.


-ooOoo-


GINANAP ang unang press conference ng indie film na pinamagatang “Edna” kasabay ng kaarawan nang producer nito at businessman na si Anthony Gedang sa napakagarbong bahay niya mismo last Thursday.


Ang “Edna” ay pinagbibidahan ng mahusay na aktres na si Irma Adlawan, Kiko Matos, Allan Paule at Ronnie Lazaro na siya ring direktor ng movie.


Sa mga ‘di nakakaalam, si Tonet is the president of one of the leading equipment and service supplier in the water industry serving Manila Water, Maynilad and manyother water utilities and weater districts all over the Philippines, the WaterKonsult Equipment and Services, Inc.


Nagtapos siya sa Adamson University bilang Sumacumlaude sa kursong B.S. in Commerce.

Kasunod nito ay kumuha siya ng MBA degree sa Ateneo University.


“I trained salesman to be master salesmen. I made a Chinese store into a multi-million company,” lahad ni Tonet.


Sa rami nang ginagawa ni Tonet, may mga panahon na inaabot siya ng hypertension. Until he find out na nakatutulong sa pagbaba ng hypertension niya ang bonsai plants. And before he knew it, todo-todo na ang pag-aalaga niya ng bonsai.


“Kasi sa sobrang high pressure ko, kapag nakikipag-usap ako sa negosyo ko, sabay-sabay.

Lahat kinakausp ko. Kaya ‘yun, tinamaan ako ng lahat ng sakit. Naglagay ako ng bonsai sa likod ng bintana ng opisina ko para kapag uminit ang ulo ko, titingin ako roon, mare-relax ako,” kuwento ni Tonet.


Bukod sa bonsai, nahilig na rin siya sa pangongolekta ng iba’t ibang uri ng stones, artifacts at fossils. This lead him to put up his own museum na nasa tabi ng kanyang artistically designed home.


Recently, Adamson University Rotating Exhibits Gallery presented cultural artifacts collection of Anthony last February 7 at the newly-designed gallery in a show dubbed “Travel, Learn, Conquer: The Gedang Experience.”


The exhibit represented part of his larger collection which he gathered from Indonesia, Papua New Guinea, Australia, New Zealand, India, Mexico, Isarael and Africa in the course of his and his family’s many travels abroad.


Ang taray ng exhibit dahil ang namamahala ng Ayala Museum din ang nag-design ng kanyang exhibit sa Adamson University.


The post May broken facial bones pero walang damage sa skull! appeared first on Remate.


.. Continue: Remate.ph (source)



May broken facial bones pero walang damage sa skull!


No comments:

Post a Comment