Monday, March 31, 2014

Tanod pinutukan ng sinitang kelot, tigbak

NATIGBAK sa oras ng tungkulin ang isang barangay tanod nang barilin ng lalaking kanyang sinita sa Quezon City nitong Linggo ng madaling-araw (Marso 30).


Dead on the spot sanhi ng isang tama ng bala ng kalibre .45 sa dibdib ang biktimang si Errol Piomalto, tanod ng Barangay Baesa.


Nakatakas naman agad ang suspek na si Jesus Rivera, 40-anyos pero nahuli rin agad sa kanilang bahay. Bago binitbit sa Quezon City Police District station 3, binalasa ito ng galit na galit na taumbayan.


Sa ulat, naganap ang insidente alas-12:45 ng madaling-araw sa isang bisinidad sa Barangay Baesa.


Bago ito, nakursunadahang sitahin ng biktima ang suspek na naglalakad sa Sitio Mendez dahil na rin sa kahina-hinalang kilos.


Pero sa hindi malamang dahilan ay bigla na lamang binaril ng suspek ang biktima nang bigla itong tumalikod.


The post Tanod pinutukan ng sinitang kelot, tigbak appeared first on Remate.


.. Continue: Remate.ph (source)



Tanod pinutukan ng sinitang kelot, tigbak


No comments:

Post a Comment