Saturday, March 29, 2014

Heat pinaso ang Pistons

KUMANA si basketball superstar LeBron James ng 17 puntos, 12 assists at 10 rebounds upang tulungan ang Miami Heat na tustahin ang Detroit Pistons, 110-78 kaninang umaga sa nagaganap na 2013-14 National Basketball Association, (NBA) regular season.


Unang triple-double performance ni four-time MVP James ngayong season.

Pagkatapos ilista ni James ang kanyang triple-double sa third period ay nagpahinga na ito sa fourth quarter at pinanood na lamang nito ang mga kakampi hanggang sa tumunog ang final buzzer.

Hindi naglaro ang ibang key players ng two-time defending champion Miami na sina 2006 NBA Finals MVP Dwyane Wade, 2007 first round 1st pick Greg Oden, 2001 Three-Point Shootout champion Ray Allen at point guard Mario Chalmers.

Si Udonis Haslem na humalili kay Oden sa starting center ay nakapagtala rin ng 17 points at limang rebounds habang si Chris Bosh ay may inambag na 15 pts., nine rebounds, tatlong assists at dalawang blocks.

Ang ibang tumulong sa opensa para sa Heat ay sina Chris Andersen, Norris Cole at James Jones na may sinumiteng 13, 12 at 10 ayon sa pagkakahilera.

May tig siyam na puntos naman sina Miami guard Toney Douglas at bench player Rashard Lewis.

Lamang ang Heat sa opening period, 28-23 bago umalagwa sa second quarter, 57-42 at lumubo pa ito sa 32 puntos, 92-60 sa third canto.

Sina Will Bynum at Greg Monroe ay nanguna sa opensa ng Pistons matapos magtala ng tig 12 pts.

Sa ibang NBA resulta, nagwagi ang Oklahoma City Thunder kontra Sacramento Kings, 94-81 habang sinilat ng Washington Wizards ang Indiana Pacers, 91-78.

The post Heat pinaso ang Pistons appeared first on Remate.


.. Continue: Remate.ph (source)



Heat pinaso ang Pistons


No comments:

Post a Comment