NILOOBAN ng humigit kumulang 20 mga hinihinalang rebelde ng New People’s Army (NPA) ang bahay ni dating punong barangay Reynaldo Edrada ng Cabisera Dos, barangay San Antonio, Ilagan City.
Sa imbestigasyon, matataas na kalibre .45 ng baril ang mga rebelde na nasa ilalim ng Reynaldo Pinion Command nang pasukin ang compound at bahay ni dating kapitan Edrada.
Hinahanap ng mga rebelde ang dating kapitan at ang kanyang manugang na si barangay kagawad Sales.
Gayunman, walang nadatnan ang mga rebelde kaya’t nag-iwan na lamang ng sulat ang grupo.
Wala namang sinaktan sa mga taong nadatnan sa bahay ni kapitan.
Batay sa sulat na iniwan ng mga NPA, inaakusahan si Edrada ng pang-aabuso sa kapangyarihan at pagmamalabis sa paniningil sa mga magsasaka sa kanilang mga utang.
Kung maalala, naging kontrobersyal si dating kapitan Edrada nang manalo sa isinampang protesta laban sa nakatunggali at incumbent barangay captain na si Andrea Pagulayan.
The post Bahay ng dating kapitan ng barangay, pinasok ng mga rebelde appeared first on Remate.
.. Continue: Remate.ph (source)
No comments:
Post a Comment