Monday, March 31, 2014

TUNAY NA KAPAYAPAAN AT MGA ‘GL’ NG MASBATE

SA paglagda sa “peace agreement” ng pamahalaang Aquino at ng MILF, lahat ay umaasa na manawari ay makamtan na ng ating mga kapatid na Muslim ang tunay na kapayapaan sa Mindanao.


Kung mapagtibay nga ng Kongreso ang kasunduang ito, sana lang ay hindi ito magaya sa ginawang batas noon ni Pangulong Cory para sa mga Moro sa ilalim ng MNLF ni Chairman Nur Misuari, ang ARMM Organic Act of 1989.


Matatandaan na matinding papuri ang nakamit noon ng nanay ni PNoy na si Cory dahil sa “peace agreement” na nagmula sa nasabing batas. Ngunit pagkaraan ng mahabang panahon ay napatunayang sa wala rin lang pala ito mauuwi!


Itong nilagdaan nina PNoy at ng MILF, ito na nga kaya ang makapagdudulot ng tunay na kapayapaan sa Mindanao? Hindi kaya manggugulo ang mga kaalyadong MNLF ni Nur Misuari?

Makikiisa rin kaya sa usaping ito ang BIFF nina Ameril Umbra Kato? Igagalang rin kaya ito ng mga Abu Sayyaf?


Naniniwala kasi tayo na hangga’t hindi tapat ang pamahalaan sa pagpursigi ng tunay na kapayapaan ay mababalewala lamang ang lahat ng ito! In-short, hangga’t may mga heneral na kumikita sa tuwing may mga bombang ipinuputok sa mga Muslim ay posibleng sumiklab uli ang digmaan sa Lupang Pangako!


At hangga’t ang lahat ng paksyon ng mga Muslim ay hindi nagkaisa sa paghanap ng kapayapaan ay mananatili itong mailap! Opps, naroon nga pala si Kris Aquino sa naganap na pirmahan. Payapa na nga ba sila ni James Yap?


-o0o-


HINAHAMON tayo ng isang nagpakilalang katiwaldas ni Region 5 PNP Regional Director C/Supt. Victor Pelota Deona na patunayang talamak nga ang iligal na sugal sa lalawigan kong mahal.


Ayon sa animal na nagpakilalang Major, (problem? Hek, hek, hek) kung talagang talamak nga ang “lotteng” sa Masbate, bakit tatlong financer lang ang ating pinangalanan sa mga naunang kolum.


Por yur impormisyun Medyur, trabaho ninyo ang pagkuha ng detalye sa mga iligal na Gawain. Pero para sa kaalaman ninyo nina RD Deona at Provincial Director S/Supt. Jacinto Culver Nasol Sison, narito ang listahan ng mga gambling lord sa Masbate.


Sa 2nd Dist. ay namamayagpag sina Babyboy Tan, Perla Manlapaz, Benjie Lim, Rex Cabug, Boyet at Nong Amaro, Nap Arguelles, Arjay Lim at Bert Chu na ang katiwaldas ay si Asing Dalanon. Sa 3rd dist. naman ay sina Danny Olmella, Goling Ching, Jojo Aum at Jeorge Hao.

Samantalang ang 1st dist. ay hawak nina Biboy Sese at Jie Yuson.


Sige nga RD Deona at PD Sison, ngayon ninyo sabihing hindi talamak ang iligal na sugal sa Masbate! Abangan.


The post TUNAY NA KAPAYAPAAN AT MGA ‘GL’ NG MASBATE appeared first on Remate.


.. Continue: Remate.ph (source)



TUNAY NA KAPAYAPAAN AT MGA ‘GL’ NG MASBATE


No comments:

Post a Comment