Wednesday, August 27, 2014

Paslit todas sa may topak

KALUNOS-LUNOS ang sinapit ng isang-taong-gulang na bata sa kamay ng 34-anyos na lalaking kapitbahay na umano’y may diperensya sa pag-iisip matapos itong sapilitang kunin sa ina at binuhat ng patiwarik saka binitawan at ibinalibag sa semento.


Hinabol ng mga rumespondeng barangay tanod ang suspek sa Bgy. Bacnono, Bayambang sa lalawigan ng Pangasinan.


Ayon sa ina ng suspek, nakawala ang anak mula sa pagkakakadena na matagal ng may sakit sa pag-iisip simula nang iwan ng asawa at anak.


Samantala, ilang oras matapos isugod sa ospital ang bata, pumanaw rin ito dahil sa matinding pinsalang tinamo sa katawan at ulo.


Dahil sa karamdaman ng suspek, ipinaubaya na ito sa Social Welfare and Development Office ngunit ibinalik din sa kanyang pamilya.


Sa ngayon, bagama’t pinalaya ang suspek, nasampahan na ito ng kaso at iniasa na sa korte ang pagdesisyon sa kaso. Marjorie Dacoro


.. Continue: Remate.ph (source)



Paslit todas sa may topak


No comments:

Post a Comment