Wednesday, August 27, 2014

Delivery boy pisak sa trak

PATAY sa malagim na aksidente ang delivery boy ng McDonalds nang suwagin ng isang rumaragasang trak ang kanyang motorsiklo habang nakapara sa isang stoplight sa Quezon City kaninang madaling-araw, Agosto 28.


Dead-on-the-spot sanhi ng tinamong pinsala ang biktimang si Archie Gaerlan, habang nasa kustodiya na ng Quezon City Traffic Sector 6 at sasampahan ng kasong reckless imprudence resulting to homicide ang drayber ng trak na si Jay Atencio, tubong Nueva Ecija.


Sa ulat, naganap ang insidente dakong 4:30 ng madaling-araw sa kanto ng Mindanao at Congressional Avenue.


Sa pagsisiyasat ni P03 Andie Sotto, ng QC traffic sector 6, nagmula si Atencio sa Porac, Pampanga at papunta itong Taguig City para mag-deliver ng buhangin nang pagsapit sa nasabing kanto ay hindi kumagat ang preno ng kanyang trak at nataon pang basa ang kalsada dahil sa pag-ambon.


Una niyang inararo ang nakaparang motorsiklo ni Gaerlan na pumailalim sa kanyang trak saka sinuwag ang isa pang motorsiklo, dalawang van at isang kotse.


Nabatid din na nanggaling sa pagde-deliver si Gaerlan at pabalik na ito sa fastfood chain nang maganap ang insidente. Robert Ticzon


.. Continue: Remate.ph (source)



Delivery boy pisak sa trak


No comments:

Post a Comment