PAREHONG matindi ang hangarin ng dalawang natitirang koponan na lalaro sa Finals ng PLDT Home TelPad PBA Governors’ Cup.
Maghaharap ngayong alas-otso ng gabi sa MOA Arena sa Pasay City ang defending champion San Mig Super Coffee Mixers at dehadong Rain or Shine Elasto Painters.
Hangad ng Mixers na maka-Grand Slam habang nais mabawi ng E-Painters ang nag-iisang korona na nasungkit nila noong 2012.
Best-of-five series lang ang labanan sa pagitan ng San Mig at RoS kaya naman paniguradong dikdikan agad sa Game 1 mamayang gabi.
Pangalawang grand slam ang hinahabol ni coach Tim Cone na ngayon ay nasa pang-29 Finals appearance na siya.
Unang nakopo ni Cone ang tatlong sunod na conference championship noong 1996 kung saan siya pa ang head coach ng Alaska.
Inamin ni coach Yeng Guiao na dehado ang kanyang koponan subalit wala itong pakialam, at naniniwala siyang magagapi nila ang defending champion.
The post Mixers at E-Painters magkakasubukan na appeared first on Remate.
.. Continue: Remate.ph (source)
No comments:
Post a Comment