Saturday, July 12, 2014

LOKOHAN SA ABAD RESIGNATION; MORO-MORO SA IMBESTIGASYON

burdado-jun-briones26 MANINIWALA ba kayo, parekoy, na nag-resign si Abad sa kanyang posisyon bilang budget secretary?


Nagtatanong tayo dahil wala namang ipinakita si Pangulong Noy sa publiko na resignation letter ni Abad sa kanya.


Baka naman laway lang!


Hak-hak-hak! Pwe!


Hindi ko tinanggap ang resignation, sabi ni PNoy, dahil wala namang nagawang mali ‘yung mama ukol sa Disbursement Accleration Program.


Ganun? Walang mali?


Eh ano ‘yung mga apat na gawain sa DAP na ibinasura ng Supreme Court?


Sabi ng SC, labag sa Konstitusyon ang mga iyon.


Tapos sasabihin ni PNoy na walang nagawang mali si Abad? Grrrrrrrrr!


Si Abad ang inginunguso na awtor ng DAP saka nila pinagtulungang isagawa.


Baka naman eentra na naman diyan si tokayong Fr. Joaquin Bernas, huh!


Sabi ng paring ito, ‘di pwedeng ma-impeach si PNoy sa DAP dahil ignorante siya sa Konstitusyon.


At ang pagiging ignorante rito ay hindi kasali sa mga batayan ng impeachment.


At ngayon namang ni-reject ni PNoy ang resignation kuno ni Abad, hindi ba ignorante rin si PNoy sa SC decision na maituturing nang isang batas?


O talagang pakapalan na lang ng mukha ang meron sa Malakanyang?


Sabi naman nitong si Senate President Franklin Drilon, hindi istayl ni PNoy ang basta bibigay sa mga presyur sa anomang isyu gaya ng panawagan na siya’y lumayas na lang sa Palasyo, kasama si Abad.


Hindi ba si Drilon ang sinasabi ni Jinggoy na nag-anunsyo na may insentibo sa mga senador na sisibak kay ex-Chief Justice Atong Corona sa pwesto?


At dumaan kay Drilon ang P1.1-bilyong suhol mula sa Palasyo sa mga hijo de putang mga senador sa impeachment.


King-ina, mga makakapal ang mukha, magsilayas na nga kayo riyan. Pwe.


Pero huwag muna, parekoy. ‘Di ba inimbitahan ng Senado si Abad para gisahin ito sa Hulyo 21?


Pero paano magigisa si Abad kung puro KKK ni PNoy at puro may DAP ang gigisa sa kanya?


The post LOKOHAN SA ABAD RESIGNATION; MORO-MORO SA IMBESTIGASYON appeared first on Remate.


.. Continue: Remate.ph (source)



LOKOHAN SA ABAD RESIGNATION; MORO-MORO SA IMBESTIGASYON


No comments:

Post a Comment