Monday, July 28, 2014

Gowns ng mga kilalang designers, rarampa sa SONA

MAGPAPATALBUGAN na naman ang mga Filipiniana gowns na nilikha ng mga kilalang fashion designer ng bansa sa ika-apat na State of the Nations Address (SONA) ni Pangulong Noynoy Aquino mamayang hapon sa Batasan Complex, sa Quezon City.


Isa sa agaw-pansin sa SONA ang red carpet fashion ng mga mambabatas at misis ng mga kongresista.


Nagsisilbi rin itong showdown ng mga kilalang designers para sa kanilang mga obra maestrang kasuotan.


Isa na sa suki tuwing SONA ay ang designer na si Randy Ortiz.


Ngayong taon, ito muli ang magdidisenyo sa isusuot nina Sen. Nancy Binay at ni Ormoc Rep. Lucy Torres Gomez.


Nude champagne serpentina gown ang isusuot ni Lucy habang dalawang bihis naman si Sen. Binay na ang isusuot sa umaga ay puting silk chiffon na may drape detail.


Ang Presidential sister at TV host na si Kris Aquino ay dilaw na Maria Clara ang isusuot na gawa ng designer na si Cary Santiago.


Napili naman ni Heart Evangelista ang fashion designer na si Joey Samson sa kanyang isusuot na gown na sinasabing magko-compliment sa outfit ng kasintahang si Sen. Chiz Escudero. Robert C. Ticzon


.. Continue: Remate.ph (source)



Gowns ng mga kilalang designers, rarampa sa SONA


No comments:

Post a Comment