INAPRUBAHAN ng Quezon City government ang planong taasan ang allowance ng mga guro sa public school sa lungsod para may dagdag na pondong magagamit sa kanilang arawang gastusin sa pamilya.
Isinusulong ng pamahalaang lungsod ang naturang hakbang makaraang makipag-ugnayan sa mga miyembro ng QC Public School Teachers Association (QCPSTA) sa QC Hall ang mga opisyal ng lungsod.
Kaugnay nito, hiniling QC government sa city educators na bigyan ang lokal na pamahalaan ng sapat na panahon para mapag-aralang mabuti ang usapin sa pagtataas ng allowance ng mga guro sa public schools sa QC.
Bunsod nito, inatasan ni QC Mayor Herbert Bautista ang QC school board at finance committee ng lunsod na isama sa budget at accounting departments ang pagbusisi sa naturang hakbang.
Sinasabing ang QC council committee on laws ay nag-apruba na ng ordinansa na naglalaan ng P1,500 quarterly rice allowance sa mga QC public school teachers.
Sa kasalukuyan, may mahigit sa 13,000 public school teachers ang Quezon City.
The post Dagdag allowance sa mga guro sa QC, inaprubahan appeared first on Remate.
.. Continue: Remate.ph (source)
No comments:
Post a Comment