Sunday, July 13, 2014

Abad igigisa sa budget deliberations

KUNG hindi makapagpapaliwanag si Budget Secretary Butch Abad ukol sa Disbursement Acceleration Fund (DAP), hindi pa rin ito makaliligtas sa mga mambabatas pagdating sa budget deliberations.


Ito ay sa sandaling magsimula na ang paghimay ng Kongreso sa P2.606 trilyong 2015 budget na isusumite ng Malakanyang pagkatapos ng SONA ni Pangulong Aquino sa July 28.


Sinabi ni Davao Rep. Isidro Ungab, chairman ng House Committee on Appropriations, imposibleng makaiwas si Abad sa panggigisa ng mga kongresista ukol sa DAP dahil siguradong haharap ito sa Kamara sa panahon ng deliberasyon ng badyet.


Hindi na rin aniya kakailanganin pang magpatawag ng hiwalay na imbestigasyon ang Kamara ukol sa DAP para makapagpaliwanag si Abad.


Sinabi pa ni Ungab na bukas ang proseso ng pagdinig sa budget sa pagtalakay ng kontrobersiya sa DAP at hindi mapipigilan ang sinumang kongresista na kuwestyunin ang kalihim.


Ngunit ngayon aniya ay wala pang plano ang Appropriations committee na ipatawag agad ang kalihim taliwas sa hakbang ng Senate Committee on Finance na pinahaharap na sa mataas na kapulungan si Abad. Meliza Maluntag


.. Continue: Remate.ph (source)



Abad igigisa sa budget deliberations


No comments:

Post a Comment