MULA sa pagiging sexy actor, nagawang ihulma ni Allen Dizon ang kanyang sarili bilang isang magaling at premyadong actor. Ilang acting trophies na ang kanyang napanalunan mula sa Famas, Star Awards, Gawad-Tanglaw, at Pasado Award.
“Happy ako. Mula sa pagiging sexy actor ay naging award winning actor ako,” aniya nga. “Kumbaga, nakikita ko ang pinagpaguran ko from that time na nag-i-struggle ako sa career ko.
“Masarap maramdaman na may mga taong naniniwala sa akin pagdating sa pag-arte at may mga kumukuha pa rin sa akin.
“Hindi naman lingid sa ating kaalaman na marami akong kasabayan noon na wala na ngayon sa industriya. Nakatutuwa na ako, nandito pa rin. Patuloy na na may nagtitiwala na bigyan ako ng proyekto. Nakatataba ng puso, ‘di ba?”
Dati ay nagbitaw ng salita si Allen Dizon na graduate na siya sa mga sexy roles pero sa pelikulang Kamkam ng Heaven’s Best na ipapalabas sa July 9 ay nakumbinsi siyang maghubad ulit sa harap ng camera.
Leading ladies ni Allen sina Jackie Rice, Jean Garcia, at Sunshine Dizon, na pawang mga asawa niya ang roles na ginampanan.
“Balik-sexy kasi kailangan sa istorya. Meron kaming lovescene ni Jackie tapos meron din kami ni Jean. E, unang-una, maganda ‘yong project at saka ‘yong istorya. Si Direk Joel (Lamangan) pa ang director.
“Si Direk Joel ang nang-request na kailangan ganito, kita ‘yong butt, ganyan-ganyan.
“So wala naman akong choice!” sabay tawa pa ng aktor.
Sunod-sunod nga ang mga indie films na ginagawa ngayon ni Allen. Bukod sa Kamkam, natapos na rin niyang i-shoot ang Magkakabaong (Coffin Maker) na planong isali sa iba’t ibang international film festivals. “Ginagawa ko rin ngayon ‘yong Children’s Show na para naman sa Cinemalaya.
“Meron akong sisimulang isa pang pelikula na si Mel Chionglo ang direktor. Wala pang title pero ang istorya nito ay tungkol sa isang pari na nakabuntis.
“I feel blessed na hindi ako nawawalan ng movie offers. Dahil dito, lalo pa akong nai-inspire na pagbutihin ang trabaho ko.
“Kung gaano ka-sexy ‘yong ginagawa ko noon, gano’n ang mapanonood sa pelikula pero hindi na puwedeng mas daring pa!”
“Okey katrabaho si Jackie. Unang-una, napaka-professional niya. Magaling siyang artista tapos sexy at maganda. Sigurado ako, kapag napanood siya sa pelikulang ito, makikiliti ang imahinasyon ng mga lalaking nagpapantasya sa kanya. Kasi makikita nila ‘yong kaseksihan ni Jackie Rice.”
Since matagal din bago siya muling napapayag na mag-portray ng sexy role, pinaghandaan pa ba niya ito lalo na ‘yong matinding lovescene nila ni Jackie?
“Hindi na masyado. Kasi kumbaga, ako naman ang magdadala do’n sa kaeksena ko kasi unang-una, mas alam ko ‘yong tungkol sa lovescene kasi sanay na ako ro’n, e. So ako ‘yong mag-iingat sa kapareha ko ro’n sa eksena at naging komportable naman sa akin si Jackie no’ng kunan ‘yon.
“Hindi naman siya kinabahan o nailang sa akin. Kasi alam din naman niya na trabaho lang.”
Pinakamaselang eksena raw na ginawa ni Allen sa Kam kam ay ‘yong lovescene nila ni Jackie na hubo’t hubad sila. “Pero may plaster naman. Hindi pwedeng wala. Hindi ako pumapayag na walang plaster. Kasi, para makagalaw ako nang maayos.
“At saka nakahihiya naman sa kapartner mo sa eksena kung makitaan ka. O magkakitaan kayo ng, ‘di ba”
“Mahirap naman ‘yon. So mas magandang may plaster.
“Kumbaga, hindi naman kailangan na magpakita ka ng private part so” itago mo na lang. Huwag mo na lang ipakita! Ha-ha-ha!”
Bukod sa kanyang guwapong mukha, nagawa ring i-maintain ni Allen ang sexy niyang pangangatawan.
“Tuloy-tuloy na diet lang ‘yan at saka exercise.
“Tapos, dapat stress-free. Dahil nakatataba at at nakatatanda kapag stressed ka, ‘di ba?
“So kailangan stay healthy ka. Maging maingat sa kinakain mo.
“Malaking factor din ‘yong happy ka sa buhay mo.”
‘Yon na!
The post Walang angal dahil gusto ng direktor! appeared first on Remate.
.. Continue: Remate.ph (source)
No comments:
Post a Comment