NOW it can be told kung bakit hindi apelyido ng komedyante at dating Konsehal ng Quezon City na si Dennis Padilla ang ginamit ng anak niyang si Julia Barretto as her screen name. Anak ni Dennis kay Marjorie Barretto si Julia, Dominique at Leon.
May plano pala si Marjorie na gawin ng Barretto legally ang apelyido ni Julia. So, from Baldivia na tunay na surname ni Dennis, legally, Barretto na ang gagamitin ni Julia.
Actually, natanong din namin noon si Dennis tungkol sa paggamit ni Julia ng Barretto instead of Padilla. Okey lang daw sa kanya at si Marjorie naman ang nasusunod pagdating sa ganyang bagay lalo pa’t hanggang ngayon daw ay hindi pa rinn sila on speaking terms.
Kamakailan, naaprubahan na raw ng korte ang paggamit ni Julia ng Barretto legally. For sure, aware si Dennis tungkol dito. Hindi lang natin tiyak kung may ginawa bang hakbang si Dennis kontra sa pagpalit ng surname ng anak niya. O hinayaan na lang niya after all alam naman ng lahat na siya ang tatay ni Julia.
Pero napakatindi siguro ng galit ni Marjorie kay Dennis para papalitan pa niya ng apelyido si Julia. Malamang after Julia baka isunod na rin na papalitan ng surname ang iba pa nilang mga anak ni Dennis, huh?
-ooOoo-
WE’RE happy for Kiray Celis sa bago special appearance sa longest drama anthology on television na Maalaala Mo Kaya. Tampok si Kiray sa barkadahang nabuo sa eskwelahan na kwento sa Maalaala Mo Kaya ng ABS-CBN ngayong Sabado (Hunyo 14).
Gaganap na bilang mga miyembro ng barkadang SheKaJoy Angels sina Kiray bilang Reshee, Yen Santos bilang Kay, at Trina Legaspi bilang Joy.
Friendship over na ba kung ang batas na binuo at pinangakuang tutuparin ng barkada ay nilabag ng isa?
Tampok rin sa upcoming episode sina Minnie Aguilar, Khaycee Aboloc, Justin Gonzalez, Cheska Billiones, at Paolo Angeles. Ito ay sa ilalim ng direksyon ni Nuel Naval, panulat nina Benson Logronio at Arah Jell Badayos, at pananaliksik ni Benson Logronio.
Ang MMK ay pinamumunuan ng business unit head nito na si Malou Santos, production manager na si Roda dela Cerna, at executive producer na si Cathy San Pablo.
Huwag palampasin ang longest-running drama anthology sa Asya, MMK, tuwing Sabado ng gabi sa ABS-CBN.
The post Plano ni Marjorie na gawing Barretto ang apelyido ni Julia appeared first on Remate.
.. Continue: Remate.ph (source)
No comments:
Post a Comment