NAGDULOT na naman ng kontrobersya ang privilege speech ni Senator Bong Revilla.
Kahit si Kris Aquino ay umaray sa patutsada ni Senator Bong sa kanyang kapatid na si PNoy. Two years pa raw na manunungkulan si PNoy pero hindi raw tama na maalala siya ng kasaysayan sa pagpapakulong diumano sa hindi niya kapartido.
“I want to respect what the family is going through but I also have to respect my family and my brother and to this day 72 % of the Filipino citizens say that he enjoys the trust and the support of the people. This is not an issue about PNoy and his presidency, this is an issue about pork barrel na thank God walang kinalaman si Noynoy. Malinis ang konsensya ng kapatid ko kaya malakas ang loob niya na isulong ang paglilinis ng gobyerno,” reaksyon niya sa Aquino and Abunda Tonight.
Very vocal si Kris na mas love niya diumano si Senator Jinggoy Estrada dahil sa tahimik lang ito.
Tinatanong din ng madlang people kung ano ang kasasapitan ng Kap’s Amazing Stories ni Senator Bong ‘pag nauwi sa kulungan ang isyung pinagdadaanan niya ngayon? Inilipat na ito ng GMA 7 sa Saturday morning at replay ng Animals Superpowers (Extreme Hunters) ang mapanonood ngayon.
-0o0-
HUMINGI na ng paumanhin ang ABS-CBN 2 hinggil sa challenge ng Pinoy Big Brother All-In na maging modelo ng nude painting ang dalawang housemate.
Nagiging OA na kasi ang reaksyon ng ilang netizens at may dalawang Senadora pa na nakialam sa isyu.
Si Toni Gonzaga naman ay naniniwala bilang host ng programa na alam ng production at ni Kuya ang kanilang limitasyon.
‘Yun na!
-0o0-
NATUTUWA kami sa napipintong pagbabalik ng Talentadong Pinoy sa TV5 na kung saan ay si Ryan Agoncillo pa rin ang host.
Isa ito sa nagtagal sa Kapatid network at tinangkilik ng televiewers kaya nakapagtataka na tsinugi noon ng TV5.
Nag-iwan ng magandang tatak ang show kaya karapat-dapat din na mapanood ulit ito sa ere.
Bagama’t marami pa raw pina-plantsa sa naturang show bago ibalik, umaasa kami na matutuloy rin ito.
Pero sa rami ng work ngayon ni Ryan, hindi pa rin naisasantabi ang kanyang sex life. May oras pa naman daw dahil hapon natatapos ang “Eat Bulaga”. Gusto nga ni Ryan makabuo sila ng twins ng kanyang misis na si Judy Ann Santos.
Talbog!
The post Pinag-usapan ang privilege speech ni Senator Bong Revilla! appeared first on Remate.
.. Continue: Remate.ph (source)
No comments:
Post a Comment