Monday, June 9, 2014

WALA PA RING HUSTISYA vs MGA MANDARAMBONG

sa kantot sulok MAGING ang Simbahang Katoliko ay nagpahayag ng pagdududa sa tunay na layunin ng pagsasampa ng kaso sa mga akusado kaugnay ng pork barrel scam. Sabi nito, “when justice is selective, it is not justice at all.”


Matatandaang kinasuhan na ng kasong plunder sa Sandiganbayan ang “pangunahing target” ng Palasyo na sina Senator Juan Ponce-Enrile, Jinggoy Estrada at Ramon Revilla, Jr.


Pinaghihinalaang planado na ang lahat para maaresto ang tatlong senador bago ang State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Aquino sa Hulyo. At inamin naman ng Palasyo na ang “highlight” sa SONA ni PNoy ay ang “good governance” at ang naging kampanya ng pamahalaan laban sa korapsyon. Tiyak nang mapupulutan sa mga inuman ang pagkakapiit nina Enrile, Jinggoy at Revilla dahil sigurado nang sila ang ibibida sa talumpati ni Aquino.


Lingid sa kaalaman ng lahat, ang ekonomiya ay lugmok ngayon. Ang 5.7 growth sa unang quarter ay sobrang baba sa inaasahan. Kaya magiging katawa-tawa si PNoy kung patuloy niyang ipagyayabang na lumaki ang ekonomiya ng bansa.


Ayon kay Catholic Bishops’ Conference of the Philippines President Socrates Villegas, ang sinomang sangkot sa pork barrel scam kahit pa kakampi ng administrasyon ay dapat na maimbestigahan at kung kinakailangan ay maparusahang lahat. Kung ang pagbibigay ng hustisya ay selektibo, walang makakamit na hustisya.


Halatang-halata ng Simbahan ang pagiging double-standard ng gobyernong Aquino sa pork barrel scam dahil nakatutok lang ang baril sa mga hindi nito kaalyado lalo’t mahigit sa 100 mambabatas at Cabinet officials ang nasasangkot din.


Pinakamalala ang buking na pagsisikap ni PNoy na maikubli si Budget Secretary Butch Abad na nagturo kay Janet Lim-Napoles kung paano raketin ang PDAF. Bilang ganti, pinagtatakpan din ni Abad si PNoy na nagkaroon ng pakinabang sa pork scam noong siya’y congressman, senador at ngayo’y Pangulo ng Pilipinas na may tumataginting na P1 trillion pork.


Ayon sa MalacaƱang, kinakailangan daw magkaroon ng hustisya laban sa mga opisyal ng gobyerno na namdambong sa pondong bayan. Pero ito’y katawa-tawa dahil mukhang ang gusto lang maparusahan ay mga kalaban sa pulitika habang ang mga kaalyado o kakampi ay tuloy ang ligaya.


The post WALA PA RING HUSTISYA vs MGA MANDARAMBONG appeared first on Remate.


.. Continue: Remate.ph (source)



WALA PA RING HUSTISYA vs MGA MANDARAMBONG


No comments:

Post a Comment