Monday, June 9, 2014

LIES CAN SET YOU FREE

deep fried HANAPIN ang katotohanan at ang katotohanan ang siyang magpapalaya sa iyo.


Pero sa kaso ni Janet Lim-Napoles at ng lahat ng mga akusado sa P10-billion pork barrel scam, kasinungalingan kaya ang magpalaya sa kanila?


Si Barrabas ay nakalaya dahil sa kasinungalingan ng mga paring Hudyo. Sa kaso ng mga Filipinong paring sina Gomez, Burgos at Zamora, ginarote sila ng mga sinungaling na paring Espanyol.


Sa kaso ni Janet, nagsinungaling siya at nang masukol siya ay katotohanan na lang daw ang kanyang sasabihin, pero may condition. Huwag siyang kasuhan at bigyan siya ng criminal immunity.


Bukod doon, gusto niyang isauli na ng gobyerno ang kanyang mga bank deposits.


Sumumpa ang mga abogado na hahanapin nila ang katotohanan ngunit dalawa ang klase ng mga abogado, ang sinungaling at ang nagsasabi ng katotohanan.


Sumumpa rin ang mga manggagamot na katotohanan din ang kanilang bibigkasin sa tuwing susuriin nila ang may sakit na pasyente; pero tulad ng mga lawyer, may mga doktor din na puro kasinungalingan ang namumutawi sa kanilang mga labi.


Isang halimbawa ang kaso ni Janet Napoles, at pati na rin sa kaso ni Cedric Lee.


Sino ba talaga ang sinungaling sa kanila? Ang mga abogado ba ni Cedric at ni Deniece Cornejo? O ang mga abogado ni Vhong Navarro? Sinungaling din ba ang mga abogado ni Napoles? At sinungaling din ba ang mga doktor ni Napoles?


Hindi natin masabi kung sinungaling nga sila. Tanging ang mga judge at justice lang ang makapagsasabi niyan. Pero maaari rin kayang sinungaling ang mga hukom at justice?


May mga nagdududa sa katotohanang sinasambit ng mga abogado at mga doktor.


Hindi kataka-taka tuloy na pag-isipan ng masama ang mga doktor at mga abogado, lalo na tuwing may paglilitis sa hukuman. Lalo na kung malaking salapi ang involved sa mga ganitong kaso.


The post LIES CAN SET YOU FREE appeared first on Remate.


.. Continue: Remate.ph (source)



LIES CAN SET YOU FREE


No comments:

Post a Comment