Tuesday, June 10, 2014

‘Wag imulat ang mga bata sa panunuhol’ — Cardinal Tagle

IPINAYO ni Manila Archbishop Luis Antonio Cardinal Tagle na huwag imulat ang mga anak sa kultura ng panunuhol.


Kaugnay ito ng kontrobersiyang idinulot ng pork barrel scam, na kinasasangkutan ng ilang opisyal ng pamahalaan.


Ipinaliwanag ni Tagle na ang simpleng panunuhol sa mga bata para sundin ang iniuutos ng mga magulang ay isa na ring uri ng korapsyon.


Kasabay nito, pinayuhan pa ng Cardinal ang mga magulang na suriing mabuti kung paano nila pinalalaki ang kanilang mga anak.


Binatikos rin nito ang kultura ng ‘reward system’ na umiiral sa kasalukuyang panahon.


Nanawagan rin si Tagle at iba pang Obispo ng Simbahang Katoliko sa mga politiko na nasasangkot sa scam na pairalin ang kanilang konsensya.


Samantala, hinikayat naman ni Cotabato Archbishop Orlando Cardinal Quevedo ang mga nasasangkot sa pork scam na magsabi na ng katotohanan.


The post ‘Wag imulat ang mga bata sa panunuhol’ — Cardinal Tagle appeared first on Remate.


.. Continue: Remate.ph (source)



‘Wag imulat ang mga bata sa panunuhol’ — Cardinal Tagle


No comments:

Post a Comment