Wednesday, June 11, 2014

Kotse dumayb sa creek, bebot sugatan

kotse-dive


SUGATAN sa aksidente ang isang babae nang mahulog sa Quezon City open creek ang kanyang minamanehong kotse kahapon ng hapon, Martes.


Naiahon naman agad sa naturang creek ng mga tauhan ng Quezon City Department of Public Order and Safety (QC-DPOS) at isinugod sa pagamutan ang hindi pa kilalang babae na nagtamo ng gasgas, bukol at pasa sa iba’t ibang parte ng katawan.


Naganap ang insidente dakong 5:00 sa Talayan creek sa may Araneta Avenue, Q.C.


Ayon sa mga nakasaksi, palabas na ng Quezon Avenue ang kotse ng biktima nang pagdating sa may Maria Clara St. ay bigla itong kumaliwa at tinumbok ang steel railings saka bumulusok sa creek.


Naiahon na ang naturang kotse pasado alas-7:00 na ng gabi.


The post Kotse dumayb sa creek, bebot sugatan appeared first on Remate.


.. Continue: Remate.ph (source)



Kotse dumayb sa creek, bebot sugatan


No comments:

Post a Comment