Tuesday, June 10, 2014

DAR Sec. Delos Reyes, pinatatanggal ng Solon

INUDYUKAN ng isang kaalyado ni Pangulong Aquino na tanggalin na sa puwesto si Agrarian Reform Secretary Virgilio delos Reyes.


Giit ni Akbayan Rep. Walden Bello, nabigo si Delos Reyes na makumpleto ang implementasyon ng Comprehensive Agrarian Reform extension (CARPER).


Panawagan pa ni Bello, dapat i-pressure ni PNoy si Delos Reyes na maging masigasig sa implementasyon ng nalalapit na expiration ng CARP extension sa June 30 na matagal ng hinihingi ng mga magsasaka.


Ayon pa kay Bello,marapat na yaong nagtataglay ng katapangan at determinasyon sa ganitong trabaho ang ipalit para hindi maging trahedya ang CARPER.


Aniya pa, mismong si Delos Reyes ang umamin na mahigit sa 500 ektarya ng carpable land ang hindi maipapamahagi hanggang sa pagtatapos ng CARPER sa June 30, 2014 dahil sa ilang teknikal na problema.


Hanggang ngayon ay malaking bahagi pa rin aniya ng mga lupaing ito ay nasa tinatawag na landlord country sa Western Visayas at Mindanao na hindi katanggap-tanggap ayon kay Bello.


Maging sa panig ng Bayan Muna ay tinutulan ang pagpapalawig sa 25 taong CARP dahil hindi lamang ito isang kabiguan kundi nagagamit pa sa panloloko.


The post DAR Sec. Delos Reyes, pinatatanggal ng Solon appeared first on Remate.


.. Continue: Remate.ph (source)



DAR Sec. Delos Reyes, pinatatanggal ng Solon


No comments:

Post a Comment