KUNG sa ibang bansa tayo nakatira, parekoy, at mababasa sa pamamagitan ng internet ang mga pagpatay noong Sabado at Linggo, iisipin natin na mas malala pa tayo sa Afghanistan o mga bansa na matindi ang karahasan.
Bakit ‘ka ‘nyo? Aba, sunod-sunod ang karahasan sa nabanggit na mga araw, pwera pa rito ang everyday crime na tila nakasanayan na natin.
Ang tinutukoy ko, parekoy, ay ‘yung pagpaslang kay Urbiztondo Mayor Balolong at dalawa nitong escort.
Tsk tsk tsk. Naunsyami tuloy ang pagpapakasal sana ni Yorme noong Linggo.
Silver wedding anniversary sana nila ni esmi at sabay sana sa kasal ng kanilang anak.
Ang sabi, parekoy, ito raw si Balolong ay may dati nang kaso nang makuhanan siya ng sandamakmak na armas kamakailan.
At dahil labis niyang loves ang armas, boga rin ang nagpahinto ng kanyang buhay.
Sumunod naman ang pananambang sa dating alkalde ng Mataas na Kahoy sa Batangas na si Arnulfo Rivera noong Linggo naman.
At ang pinakamalaking suntok sa PNP, alam mo ba, parekoy, ay nang ambushin ang chief of police ng Ubay, Bohol na si Chief Insp. George Caña noong Linggo.
King Ina! May ibig-sabihin sa pagpatay kay Caña, eh, at iyon, parekoy, mas malakas at mas mabagsik ang mga kriminal!
Mantakin mo, parekoy, pulis na ang tinira. Hak hak hak!
Ibig bang sabihin, may kulang sa kanilang intelligence gathering at kaya na silang talunin ng mga criminal?
PNP Chief, General… Sir Alan… anyare? Nalagasan ka ng bata!
Kung ako iyon…aba…mag-iisip ako.
Tatanungin ko ang sarili ko, “Ganito ba ang reputasyon ko at kayang iligpit ang bata ko?”
Sir Chief….isip-isip din ‘pag may time. Hak hak hak!
o0o
SA kaliwa’t kanang patayan, napaisip tuloy ako, parekoy, kahit ano pang make-up ang gawin ng PNP, naroong nagkaroon pa sila ng rampa para sa bagong uniporme, eh, kung sangkatutak naman ang karahasan mula sa isnatsing, islasing at holdap, gayundin ang high-tech na panloloko gamit ang internet.
Eh, bokya rin ‘yang pangako ni Sir Chief na sa kanyang panahon ay maitutuwid ang daan ni PNoy.
Sa Metro Manila na lamang, malungkot ang mga police station kapag walang nasasaksak, nadudukutan at nababaril.
Para bang bahagi na ng buhay ang may ninanakawan, nahahablutan o ginagawan ng masama ng kapwa.
Bakit ganoon, parekoy?
Nagtanong ka pa? Dangkasi naman…tulog sa pansitan si Sir Chief….naghihintay lang yatang mangitlog si Maya. Hak hak hak!
The post UNIPORME NG PNP DEKORASYON NA LANG BA? appeared first on Remate.
.. Continue: Remate.ph (source)
No comments:
Post a Comment