NAKABABAHALA ang pagsirit ng kaso ng HIV sa bansa, ngunit ang lalong nakababahala ay ang kawalan ng aksyon ng gobyerno laban dito.
Puro babala lang ang ginagawa ng DoH na walang kaukulang konkretong paraan kaya dumarami ang Pinoy HIV carrier.
Panahon na para magkaroon ng batas na magpapahinog at kokontrol sa mga bagay na sanhi o ugat ng pagkakaroon ng sakit na ito.
May mga ordinansa o batas sa mga bayan o lungsod na pinaiiral, subalit hindi nagiging epektibo dahil sa maraming kadahilanan.
Halimbawa’y ang Quezon City na may mga nalilok nang ordinansa sa bagay na ito, pero hindi naman napaiiral nang maayos.
Sa ulat, ang QC ay isang lugar sa bansa na may malaking bilang ng HIV carrier, marahil dahil sa ‘di mahinto-hintong commercial sex.
Sa mga fun establishment, gaya ng club at sauna bath, ang prostitusyon ay bahagi na ng kanilang ginagawang negosyo.
Kung ang pamahalaan ni Mayor Bistek ay aktibo sa pagpapairal ng totoo sa mga establisyementong ito, aba’y tiyak na walang prostitusyon.
Kaya raw ‘di mahinto-hinto ang ganitong gawain ay dahil sa namamayaning korapsyon sa QC government at pulisya.
‘Di kumikilos ang mga tao ni mayor at QC police laban sa prostitusyon dahil sa milyones na lagay raw ng club at sauna bath operators.
Sa mga club ay lantaran, ayon sa source ng Chokepoint, ang pagtatalik sa mga VIP (Very Important Person) rooms.
Napakadaling gawin. Para mahinto ang sex sa clubs, dapat ay ipagbawal ni Mayor Bistek ang mga VIP room.
Gayundin sa sauna baths at massage parlors, ang mga dividing room ay gawin nang isang malaking kuwarto na lang para maiwasan ang pagtatalik.
‘Di lang si Mayor Bistek ang kumilos, kundi ang iba pang alkalde sa buong bansa para makontrol ang pagdami ng HIV carrier.
Huwag ipagwalang bahala; dapat ay kumilos ang mga city at town mayor, ang DoH at ang pamahalaang Aquino laban sa problemang ito.
The post HIV CARRIERS SA QC CLUBS appeared first on Remate.
.. Continue: Remate.ph (source)
No comments:
Post a Comment