Monday, June 9, 2014

Sundalo ng Pinas at Vietnam naglaro sa Pugad Island

KINUMPIRMA ng mismong tagapagsalita ng western command na nagsagawa ng isang araw na friendly game ang mga sundalong Pinoy at sundalo ng Vietnam sa Pugad island sa west Philippine sea.


Ayon kay Lt. Cheryl Tindog, spokesperson ng western command, kabilang sa mga laro ng sundalo ng Vietnam at Pilipinas ang football, basketball at tug-of war, maliban dito ay nagpalitan din ng kaalaman ang mga sundalo, tulad ng mga sistema sa mabilis na pagsasagawa ng tulong sa mga darating na trahedya.


Ayon kay Tindog , isang araw lamang na nananatili sa Vietnam ang mga Philippine navy personnel mula sa Palawan.


Dahil dito, makikita ang pagkakaisa ng dalawang bansa, ito ay sa kabila na kasama rin ang Vietnam sa anim na mga bansa na nakikipag-agawan sa mga isla sa west Philippine sea.


The post Sundalo ng Pinas at Vietnam naglaro sa Pugad Island appeared first on Remate.


.. Continue: Remate.ph (source)



Sundalo ng Pinas at Vietnam naglaro sa Pugad Island


No comments:

Post a Comment