NAIS ng isang solon na bigyan ng tax exemption ang mga bagong tatag na negosyo sa unang dalawang taon ng operasyon nito.
Layon ng Senate Bill 2217 o ang Start-Up Business Bill na inihain ni Sen. Bam Aquino na bigyan ng sapat na panahon ang nasabing mga negosyante hanggang sa makapagsarili at makagawa ng sariling pangalan sa merkado.
Sa ilalim ng panukala, hindi muna bubuwisan ang kanilang operasyon sa loob ng dalawang taon, basta’t ang mga nasabing negosyo ay walang kaugnayan sa anomang kasalukuyang kompanya.
Kapag sole proprietorship ang mga bagong negosyo, dapat na walang iba pang kompanyang nakarehistro.
Naniniwala ang senador na kapag naipasa ang batas, tatatag ang papel ng mga bagong negosyo sa pagpapalakas ng ekonomiya kasabay ng pagkilala sa pangako ng pamahalaan ukol sa pagbabago.
Aniya, ang paglago ng mga bagong negosyo ay kapaki-pakinabang para sa mga Pilipino na may natural na galing at malikhain.
The post Tax exemption sa bagong business isinusulong appeared first on Remate.
.. Continue: Remate.ph (source)
No comments:
Post a Comment