IPINAG-UTOS ngayon ng Malacañang sa Philippine National Police (PNP) na gawing “class opening day” araw-araw.
Ito ay makaraang iniulat ng PNP na generally peaceful ang pagbubukas ng klase ngayong araw dahil sa pagiging alerto ng kapulisan sa buong bansa.
Sinabi ni Presidential Spokesman Edwin Lacierda, umaasa silang ipagpapatuloy ng PNP ang alerto hanggang sa mga susunod na araw laban sa kriminalidad.
Dagdag pa ni Lacierda, pinatututukan ni Pangulong Benigno “Noynoy” Aquino III ang seguridad ng mga mamamayan lalo ang mga mag-aaral.
Kasabay nito, iniulat naman ng Malacañang na sa pangkalahatan, naging maayos ang pagbubukas ng klase ngayong araw maliban sa ilang lugar na sinalanta ng bagyong Yolanda.
The post Malakanyang sa PNP: ‘Class opening day’ araw-arawin appeared first on Remate.
.. Continue: Remate.ph (source)
No comments:
Post a Comment