WALA pa mang basbas ang partidong kinabibilangan ng isang senador, maaga na itong nagpahayag ng pagkandidato sa mas mataas na posisyon sa 2016 presidential election.
Sa isang radio interview nitong Linggo kay Sen. Antonio Trillanes inamin na nito ang planong pagkandidato at nakatakdang isangguni sa Nacionalista Party (NP).
Ayon kay Trillanes wala siyang nakikitang dahilan upang hindi maghangad ng mas mataas na puwesto mula sa pagiging senador.
Una nang napaulat ang planong pagkandidato ni Senate majority leader Alan Peter Cayetano bilang pangulo ng bansa subali’t tiniyak ng NP na wala pang binibigyan ng basbas ang partido sa mga nagnanais na kumandidato sa ilalim ng partido na pinamumunuan ni dating Sen. Manuel Villar.
Nilinaw naman ng senador na igagalang niya ang magiging desisyon ng partido kung susuportahan o hindi ang kanyang kandidatura sa 2016.
Bukas din siya sa sinomang magiging ka-tandem niya sa nasabing halalan.
Matunog naman ang pangalan nina Batangas Gov. Villma Santos, Sen. Jinggoy Estrada at Bong Revilla na sasabak sa Vice Presidential post sa 2016 election.
The post Ambisyon ni Trillanes wala pang basbas ng partido appeared first on Remate.
.. Continue: Remate.ph (source)
No comments:
Post a Comment