PUPULUNGIN na ni Senador Jinggoy Estrada ang kanyang legal team at staff ngayong linggo kaugnay sa kinasasangkutang plunder case.
Uunahing pupulungin ni Estrada ang kanyang legal team upang alamin ang susunod na legal remedy matapos kasuhan ng plunder sa Sandiganbayan dahil sa pork barrel fund scam.
Kabilang sa mga binabalak ng kampo ni Estrada ang paghahain ng petition for certiorari sa Korte Suprema, at ang judicial determination of probable cause sa Sandiganbayan.
Nakatakda namang kausapin ni Estrada sa Miyerkules ang kanyang staff kaugnay sa maaaring mangyari sa mga susunod na araw.
Sa kabila nito, tiniyak ni Jinggoy na patuloy niyang gagampanan ang kanyang tungkulin hangga’t malaya pa siya na gawin ang tungkulin bilang mambabatas.
Inihayag ngayon ng Philippine National Police-Criminal Investigation and Detection Group (PNP-CIDG) na “trabaho lang, walang personalan” sakaling ilabas na ang warrant of arrest laban sa mga personalidad na kinasuhan dahil sa pork barrel fund scam.
Ayon kay PNP-CIDG Chief Police Director Benjamin Magalong, igagalang nila ang tatlong senador na kasamang kinasuhan sa Sandiganbayan.
Sinabi ni Magalong na maraming lugar para arestuhin sina Senador Juan Ponce Enrile, Jinggoy Estrada at Bong Revila Jr. sakaling lumabas na ang arrest warrant.
Ang pahayag ay ginawa ng opisyal kasunod na rin ng pakiusap ni Senate President Franklin Drilon na huwag sa Senado arestuhin ang tatlo.
The post Staff, legal team pupulungin ni Jinggoy appeared first on Remate.
.. Continue: Remate.ph (source)
No comments:
Post a Comment