IMBES maging masaya, napuno ng kalungkutan ang pagdiriwang ng kasal ng anak ng inambus na si Urbiztondo Mayor Ernesto Balolong Jr.
Bumuhos ang luha at dalamhati sa kasal ni municipal councilor Voltaire Balolong kasunod ng karumal-dumal na pagpatay sa kanyang ama nitong nakaraang Sabado.
Sa kabila ng malagim na pangyayari, minabuting ituloy ng pamilya Balolong ang kasal ng dalawa na ginanap sa isang simbahan.
Bagama’t natuloy ang kasal ay hindi na naging masaya ang selebrasyon dahil naging simple na lamang ito.
Matatandaan na isasabay sana sa kasal ng anak ni Balolong ang ika-25 wedding anniversary nilang mag-asawa pero hindi na nangyari dahil sa naturang insidente.
Samantala maging si Vice President Jejomar Binay ay personal na nagtungo sa lamay ng alkalde sa kanilang bahay sa bayan ng Urbiztondo.
Nagpaabot ito ng kanyang pakikiramay at iginiit nito na sa lalong madaling panahon ay dapat na maresolba ng kapulisan ang pagpatay sa alkalde.
Matatandaang noong nakaraang Sabado ay pinagbabaril si Balolong na kanyang ikinamatay.
The post Kasal ng anak ng pinaslang na Urbiztondo mayor, itinuloy appeared first on Remate.
.. Continue: Remate.ph (source)
No comments:
Post a Comment