NAKAPILI na ang liderato ng Kamara ng kongresistang mamumuno sa lilikhaing adhoc committee na hihimay at hahawak sa pagdinig ng Bangsamoro Basic Law sa sandaling isumite ito ng Malakanyang.
Kinumpirma ni House Majority Leader Neptali Gonzales na nakatakdang italaga si Cagayan de Oro Rep. Rufus Rodriguez bilang chairman ng naturang ad hoc committee.
Si Rodriguez aniya ay rekomendado niya kay House Speaker Feliciano Belmonte, Jr. dahil bukod sa ito ay isang abogado ay taga-Mindanao rin.
Ayon kay Gonzales, tinanggap na ni Rodriguez ang hamong ito.
Magiging pangunahing responsibilidad ng ad hoc committee ang tiyakin ang legalidad ng lahat ng aspeto at probisyong nakapaloob sa nilagdaang BBL at papasa ito sa Korte Suprema sakaling kuwestyunin ang constitutionality.
Ang pagtatalaga kay Rodriguez bilang chairman ng komite ay isasabay sa opisyal na anunsyo din ng pagtatag ng ad hoc committee na pamumunuan nito kapag naisumite na ang BBL mula sa Malakanyang.
Magiging vice chairmen nito ang mga namumuno sa ilang mahahalagang komite ng kapulungan at miyembro nito ang lahat ng mambabatas mula sa Mindanao.
Naunang inamin ni Gonzales na plano ng Malakanyang na ihabol ang BBL sa nalalabing dalawang araw bago ang sine die adjournment ng Kongreso sa susunod na linggo.
The post Adhoc committee para sa Bangsamoro Law nakalatag na appeared first on Remate.
.. Continue: Remate.ph (source)
No comments:
Post a Comment