Saturday, June 7, 2014

SI KAP. BOY, HANGGANG NGAYON AY BOOM PANIS PA RIN

johnny_magalona1032 BASAHIN natin ang reklamo ng isang concerned citizen kaugnay ng talamak na bentahan ng shabu at iligal na pasugalan na hindi nabibigyan ng pansin ng barangay chairman sa Brgy. Calsada Tipas, Taguig City.


Dear Sir Johnny Magalona. Ako’y isang concerned citizen ng Brgy. Calsada Tipas sa sakop ng barangay ni Chairman Boy Maglipon.


Dito sa aming barangay ay nagkalat ang mga iligal na pasugalan sa mga eskinita na ang mga naglalaro o nagsusugal ay pawang mga menor-de-edad.


Maging ‘yung mga bilyaran na ginagawang pustahan ng mga kabataan na inaabot ng umaga sa tambayan.


Kayat ‘di na ako nagdalawang isip na isumbong sa inyo ang aming problema sa barangay, kasama na rin ang reklamo namin ukol sa talamak na pagtutulak ng droga at video games na kinababaliwan ng mga kabataan.


Ilang beses ko nang sinabi ito sa kanila pero nagtataingang kawali lamang si tserman. Ilang beses na rin akong nakiusap sa kanya na ‘wag niyang payagan na tumambay at magsugal, lalo na ‘yung mga menor-de-edad pero parang balewala lang sa kanila ‘yung mga nangyayari.


Palala lang ng palala ang sitwasyon at naapektuhan na ang mga estudyante na pinag-aaral ng kanilang mga magulang na ‘di nakapapasok gawa ng kapupuyat sa mga bagay na ganyan.


Chairman Boy Maglipon, ano na ba ang nangyayari sa barangay mo?


Hanggang ngayon ba ay boom panis ka pa rin. Hehe!


VK SA PARAÑAQUE OKEY KAY HEPE


SA Parañaque naman ay patuloy ang operasyon ng videokarera ni Vic dela Cruz sa siyudad.


Walang ginagawang aksyon si Parañaque chief of police Supt. Ariel Andrade palibhasa ay nagbibigay ng timbre si Vic sa kanyang tong collector na si SPO2 Charlie.


o0o

Anomang reklamo o puna ay i-text lamang sa 09189274764, 09266719269 o i-email sa juandesabog@yahoo.com.


The post SI KAP. BOY, HANGGANG NGAYON AY BOOM PANIS PA RIN appeared first on Remate.


.. Continue: Remate.ph (source)



SI KAP. BOY, HANGGANG NGAYON AY BOOM PANIS PA RIN


No comments:

Post a Comment