Saturday, June 7, 2014

PORK SENATORS LANG? PAANO ANG ‘PORK CABINETS?’

sa-kantot-sulok1 INAASAHAN na raw ng tinaguriang “pork senators” na sina Juan Ponce Enrile, Jinggoy Estrada at Bong Revilla ang nalalapit nang pagdakip sa kanila kaugnay ng pork barrel scam. At ito ay dahil sa maniobra ng Malacañang.


Sina JPE, Jinggoy at Bong ang pangunahing target ng Malacañang na maipakulong sa nasabing kontrobersiya habang pinipilit na iligtas ang mga kaalyado ni Pangulong Aquino na sinasabing nandambong din ng salaping bayan sa anyo ng pork barrel.


Mismong si Sen. Serge Osmeña ay nagdududang kontrolado ng Palasyo ang lahat ng impormasyon sa pork barrel scam issue.


Bagama’t siya ang vice chair ng Senate blue ribbon committee, sinabi ni Osmeña na pati siya ay “binubulag” sa progreso ng proposal na muling buksan ang imbestigasyon sa eskandalo.


Walang kaalam-alam si Osmeña sa mga bagong detalye sa isyu, pangunahin na sa nilalaman ng digital files ni Benhur Luy na nasa 31,000 pahina. Ito’y dahil ayaw siyang papormahin ni Sen. TG Guingona, chairman ng blue ribbon panel.


Ang operasyon laban sa mga target ng Palasyo ay nakasalalay kay Ombudsman Conchita Carpio Morales.


Ibabasura lang niya ang mga motions for reconsideration at isasampa sa Sandiganbayan ang kaso at presto, ang mga hindi kaalyado ng gobyernong Aquino ay susunod nang maaresto.


Malinaw na tuta si Morales ng Palasyo. Sa kabila ng mga impormasyon at testimonya ng mga whistleblower na sandamakmak na mambabatas ang nasangkot sa sindikato ng Priority Development Assistance Fund (PDAF) racket ni Janet Lim-Napoles, nakapokus ang Ombudsman sa tulong ng Department of Justice kina Enrile, Estrada at Revilla.


At dahil diyan, kitang-kita ang kaipokrituhan ng “daang matuwid” ni Pangulong Aquino sapagkat pinagtatakpan ang mga nadadawit niyang kaalyado at kasapi sa Gabinete. Bakit hindi kasuhan at ipakulong din sina Budget sec. Butch Abad, Agrarian sec. Proceso Alcala at TESDA head, Joel Villanueva na pawang nasa Napoles list?


Ang masaklap, mukhang gagamitin ang pagpapakulong sa tatlong senador sa pagpapapogi ni PNoy sa nalalapit niyang SONA sa Hulyo. Ipangangalandakan ni PNoy ang kanyang kaipokrituhan sa “daang matuwid” habang pinupuri at ipinagtatanggol ang kanyang alipores na mga kawatan din ng pondong bayan.


Matagal nang “naluto” ang pork barrel sarzuela. Ito’y upang mapagtakpan sa darating na SONA ang kainutilan ng panguluhan ni PNoy sa mga tunay na suliranin ng bayan kagaya ng bagsak na ekonomiya, kagutuman, kawalan ng trabaho, power at oil price hike at marami pang iba.


The post PORK SENATORS LANG? PAANO ANG ‘PORK CABINETS?’ appeared first on Remate.


.. Continue: Remate.ph (source)



PORK SENATORS LANG? PAANO ANG ‘PORK CABINETS?’


No comments:

Post a Comment