Saturday, June 7, 2014

BABALIK AT BABALIK

sibol52 HINDI dapat matapos sa pagbababa sa pwesto ni ER Ejercito bilang gobernador ng Laguna ang issue na kinasangkutan n’ya. Dahil kung hindi mareresolba ang problema at hindi magagamot sa ugat ang suliranin ay parang multo itong pabalik-balik tuwing eleksyon.


Ang issue ay overspending. Sobra-sobra raw na pera ang ginamit ni ER para sa kanyang kampanya.

Malaking iskandalo pero kung tutuusin puwedeng sabihin na hindi naman abnormal ang ganito sa mga politiko.


Kung naaalala natin, may lumabas nang expose sa media noon pa tungkol sa mga ebidensya na nakalap at nagpapatunay na ang lahat daw ng Senador na tumakbo noong isang halalan ay lagpas ang ginastos sa kanilang kampanya at lumabag sa campaign fund limit ng COMELEC.


Pero bakit wala namang naging kaso, walang na-prosecute? Ayon sa batas, P5 bawat botante lang ang dapat gastusin ng isang politiko sa kanyang kampanya. Sa probinsya, P3 lang.


Multiplied ito sa rami ng registered voter sa isang lugar. TV advertisement at radio advertisement pa lang ubos na ang ganyang halaga.


Ang naging kaibahan lang sa kaso ni Gov. ER Ejercito ay may complainant laban sa kanya na, ayon sa mga balita, ay nakakuha raw ng ebidensya ng sobra-sobrang gastos ni gov noong eleksyon.


Pero sino ba ang hindi sumosobra ng gastos tuwing halalan?


Bumaba nang maayos si ER para raw hindi magkagulo pero nangako itong muling magbabalik.

Pangungunahan kaya ni ER Ejercito ang pagsilip na lahat ng kaso nang kung naging honest ba ang mga politiko sa pag-declare ng kanilang gastos?


Kung magkakataon, baka ang kaso pa ni ER ang magbigay-raan para maging reasonable na rin ang COMELEC at itaas na ang campaign fund limit at busisiin ulit ng ahensya ang Elections Code. Kung praktikal pa ba ito sa ngayon ng tumataas na gastushin, kung realistic pa ba!


Kung gusto natin na maging tapat sa kampanya ang ating mga politiko, maglagay ng parameters na lahat ng kandidato ay walang paraan para hindi sumunod sa utos ng batas. Dapat patas.


Dapat sana ay masita rin ang lahat ng kandidato at matingnan kung sakto ang ginastos ng bawat isa sa kampanya at ayon sa batas para hindi na maging na pabalik-balik ang isyu, paulit-ulit.


The post BABALIK AT BABALIK appeared first on Remate.


.. Continue: Remate.ph (source)



BABALIK AT BABALIK


No comments:

Post a Comment