Friday, June 20, 2014

Shellfish ban idineklara sa Masbate, Bataan at W. Samar

INALERTO ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) sa shellfish ban ang tatlong lalawigan dahil positibong may red tide toxins ang coastal water area ng Bataan, Mandaon, Masbate at Irong-Irong bay sa Western Samar.


Batay sa ipinalabas na shellfish bulletin ng BFAR, sinabi ni Director Asis Perez na sa muling pagsusuri ng tubig sa coastal water area ng Bataan na sumasakop sa bayan ng Limay, Orion, Mariveles, Pilar, Balanga, Samal, Orani at Abucay; sa Mandaon Masbate at sa Irong-Irong bay sa Western Samar ay positibo sa paralytic shellfish poison na labis sa regulatory limit na itinakda ng ahensya.


Nakipag-ugnayan na ang BFAR sa mga apektadong local na pamahalaan para maalerto ang mga residente na bawal ang mag-ani, magbenta at kumain ng mga shellfish na nakukuha sa mga nabanggit na lalawigan.


Iginiit ni Director Perez na mas mahalaga ang kaligtasan ng mga residente kung kaya’t matindi ang kanilang panawagan na iwasan ang pagkain ng shellfish gaya ng tahong, tulya, talaba, oyster at alamang.


The post Shellfish ban idineklara sa Masbate, Bataan at W. Samar appeared first on Remate.


.. Continue: Remate.ph (source)



Shellfish ban idineklara sa Masbate, Bataan at W. Samar


No comments:

Post a Comment