HINDI natitinag at nananatiling kalmado si Senador Juan Ponce Enrile sa gitna nang napipintong pagkakakulong dahil sa PDAF scam.
Ayon kay Enrile, nasa 120 over 60 o kung minsan naman ay 130 over 70 ang kanyang blood pressure nitong mga nakalipas na araw bagama’t mayroon aniya siyang maintenance medicine rito.
Ipihayag ni Enrile na pagbabasa ng libro at paglalaro ng ipod ang kanyang pinagkakaabalahan.
Tiwala siyang hindi ipapaaresto dahil sa mga problema niyang pangkalusugan at mahina pa ang kaso ng gobyerno laban sa kanya.
Gayunman, sinabi ni Enrile na kung sakaling ipaaresto siya, dadalhin niya sa kulungan ang mga libro hinggil sa history on political theory at maging tungkol kay African leader Nelson Mandela.
Kasabay nito, sinabihan ni Enrile ang kapwa senador na si Bong Revilla, Jr. na mag-relax lang sa inaasahang pag-iisyu ng arrest warrant laban dito ngayong araw na ito.
The post Enrile, ‘di natitinag kahit makukulong na appeared first on Remate.
.. Continue: Remate.ph (source)
No comments:
Post a Comment