Friday, June 20, 2014

Pangunahing proyekto ng gobyerno sa NEDA meeting

PROBLEMA sa mga pangunahing paliparan at pangunahing proyekto ng gobyerno ang masinsinang tinatalakay sa ipinatawag na NEDA board meeting ni Pangulong Benigno ‘Noynoy’ Aquino III sa Malakanyang.


Una sa agenda ng pulong ng pangulo ay ang operations at maintenance projects na ginagawa ngayon ng Department of Transportation and Communications (DOTC) sa mga airports lalo na ang inirereklamong Ninoy Aquino International Airport (NAIA).


Kabilang sa agenda ang LRT line 1 South extension project na nais malaman ng Presidente ang development ng proyekto.


Apat na mahahalagang projects ang isasailalim din sa review sa NEDA board meeting kabilang na dito ang Laguna lakeshore and Metro Manila infrastructure projects, irrigation projects ng National Irrigation Administration, roadmap ng transport infrastructure development sa NCR, Regions 3, at 4A at ang panghuli ay ang Government Integrated Financial Management Information System.


The post Pangunahing proyekto ng gobyerno sa NEDA meeting appeared first on Remate.


.. Continue: Remate.ph (source)



Pangunahing proyekto ng gobyerno sa NEDA meeting


No comments:

Post a Comment